Saturday, August 18, 2012

Taking Care of Business

I had business to take care of. Ginamit ko ang isang linggong bakasyon sa trabaho para maisakatuparan ang ilang bagay na nais ng angkan na gawin ko sa aming probinsya. Unfortunately, in the process I got myself into trouble and had to hide for a bit. I also had to find a way to go back here in Manila.

Aaminin ko na may nagawa akong kasalanan. Ayong maghiganti sa ginawa nya sa magulang ko at sa buong angkan ko; ang tanging pakay ko lang ay bawiin ang anumang pag-aari ng aming angkan na tinangay nya. Bigo akong pigilan ang sarili kong saktan sya; masyadong malakas ang pwersa ng pagkasuklam kaysa sa anumang "humanity" na natitira pa sa akin. Pinatindi pa lalo nang malaman kong ipinatago nya sa iba't ibang tao ang mga relikong pag-aari ng angkan ko. Yun ay para hindi matukoy kaagad ang kinaroroonan ng mga ito.

Sa kabilang banda, kahit pa mas higit na marami ang buhay na inutang nya sa pamilya ko, nangingibabaw pa rin ang kapalagayan ng loob na nararamdaman ko: ngayong naipaghiganti ko ang kamatayan ng aking buong angkan. Yun lamang ang naratapat sa isang ahas na pinalaki mo at pinakain sa iyong mga kamay, pagkatapos ay tutuklawin pa rin ang parehong kamay na nagpala sa kanya.

"Ginawa ko lang yun para sa sangkatauhan!", yan ang huling kataga na nasambit nya bago ko kunin ang kanyang buhay.

Masakit, kahit papano na gawin ko ang bagay na yun sa kanya. Sya ang naging karamay ko noong aking kamusmusan. Ngunit yun lamang ang nararapat.

Paalam, Yaya Pining.

No comments:

Post a Comment