Tuesday, August 21, 2012

Paghugot

Sa kanyang huling hugot ng hininga, ang tanging nasambit nya ay "Hindi ko pinaalam sa kanila ang tunay na pagkatao mo; mahal kita, anak." Si Yaya Pining bago s'ya bawian ng buhay.

Ang pagmamahal nya ba'y tunay? The well over fifteen years she took care of me as my nanny, she did show me unconditional love. Wala akong masabi sa kanya. Ipinaglaban nya ako sa mga magulang ko, pati na sa buong angkan. S'ya ang dahilan kung bakit ako nandito sa Maynila. Noong magka-college na ako, si Yaya Pining ang nag-udyok sa mga magulang ko na dapat ay dito ako sa Maynila. Marahil ay plano nya na talaga ang pagkanulo sa aming angkan, at pinilit nyang mapunta ako dito para hindi ako madamay sa pagsalakay nila.

Magkaganun pa man, wala pa ring patawad ang ginawa nya. Ang nagpatindi pa sa kasalanan nya ay ang pagnakaw nya sa mga pinaka-iingatang mga yaman ng angkan. Sa apat na kayaman, iisa pa lang ang nabawi ko- yung nabawi ko kay Yaya Pining nung gabing singilin ko ang kanyang pagkakautang sa aking pamilya, sa aking buong angkan.

Kinailangan kong magtago at mag-disguise pagkatapos ng gabing yun. It took a week for me to be able to go back here in Manila. Binantayan nila ang lahat ng maaaring daanan ko paalis ng isla. Mabuti na lang at sa bisa ng pamana ng aming angkan, madali ko pa rin silang nalusutan.

Saturday, August 18, 2012

Taking Care of Business

I had business to take care of. Ginamit ko ang isang linggong bakasyon sa trabaho para maisakatuparan ang ilang bagay na nais ng angkan na gawin ko sa aming probinsya. Unfortunately, in the process I got myself into trouble and had to hide for a bit. I also had to find a way to go back here in Manila.

Aaminin ko na may nagawa akong kasalanan. Ayong maghiganti sa ginawa nya sa magulang ko at sa buong angkan ko; ang tanging pakay ko lang ay bawiin ang anumang pag-aari ng aming angkan na tinangay nya. Bigo akong pigilan ang sarili kong saktan sya; masyadong malakas ang pwersa ng pagkasuklam kaysa sa anumang "humanity" na natitira pa sa akin. Pinatindi pa lalo nang malaman kong ipinatago nya sa iba't ibang tao ang mga relikong pag-aari ng angkan ko. Yun ay para hindi matukoy kaagad ang kinaroroonan ng mga ito.

Sa kabilang banda, kahit pa mas higit na marami ang buhay na inutang nya sa pamilya ko, nangingibabaw pa rin ang kapalagayan ng loob na nararamdaman ko: ngayong naipaghiganti ko ang kamatayan ng aking buong angkan. Yun lamang ang naratapat sa isang ahas na pinalaki mo at pinakain sa iyong mga kamay, pagkatapos ay tutuklawin pa rin ang parehong kamay na nagpala sa kanya.

"Ginawa ko lang yun para sa sangkatauhan!", yan ang huling kataga na nasambit nya bago ko kunin ang kanyang buhay.

Masakit, kahit papano na gawin ko ang bagay na yun sa kanya. Sya ang naging karamay ko noong aking kamusmusan. Ngunit yun lamang ang nararapat.

Paalam, Yaya Pining.

Friday, August 3, 2012

Lakas Ng Hangin

Hirap pumasok sa trabaho pag ganitong maambon at mahangin. Parang mas gusto ko na lang idikit ang likod ko sa kama ko at bawiin lahat ng oras na kulang sa tulog ko. Ika nga "bed weather."

Sa ganitong mga panahon din naiisip ko kung ano ang buhay ko sakaling may asawa o kahit man lang nobya ako. Because of some things that happened in a past relationship, I prefer not to have a relationship of any sorts right now. I am happy being alone. For the meantime at least.

Though it really pains to long for warmth of somebody beside you in the bed on a rainy day like these, I could not gather enough courage to pursue a relationship right now. There is this girl at work that I fancy, and I somehow have a feeling that she feels the same way; I don't think though that she'll be able to handle a relationship with me. I am quite a demanding partner. Napagdududahan akong bakla dahil sa hindi pagkakaroon ng girlfriend. Pero okay lang, kesa mag-suffer ang taong mamahalin ko.

Tuesday, July 31, 2012

Bad News

Got news today, simula pa lang ng shift, that client is pulling out our LOB to consolidate operations onshore. Although  most of us think this is a bull, nothing we can do about it. Tears flooding the floor right now, especially those from the pioneers of the account.

We are to have a meeting later on our next shift about this, but words have it that we have a month to wrap things up and that we all are to transfer to another account. Somehow I had a premonition about this when policies suddenly have changed to be stricter. Having been in the industry for sometime now made me sensitive to these cues; I am no stranger to closing of accounts.

This is simply a business dealing between our company and the client, and there is nothing we can do about it. Ang nasa isip ko lang ay pagkatapos ng isang buwan ay siguradong petiks nanaman kami at kailangang mag-training.

Sunday, July 29, 2012

Unang Post

Matagal ko nang ginawa ang blog na ito, pero ngayon lang ako nagka-oras para magsulat. I am currently resting in my bed after a stressful shift at work. Ni hindi pa nga ako nakapag-palit ng damit. Ganyan talaga ang buhay ng isang call center agent. Para kaming nocturnal animal na sa gabi naghahanap ng prey o pagkain.

Matagal na ring nasa home screen ng phone ko ang shortcut para sa Blogger app na ginagamit ko para sa isang blog ko. Mas gusto ko mag-blog gamit ang phone ko para mas relax. Sa trabaho I stare at a computer screen for eight hours, kaya kahit may computer ako sa bahay ay mas gusto kong sa cellphone ko na lang gawin ang kung anumang gusto kong gawin o tingnan sa internet.

Hopefully, this will get me going writing for this blog. I really wanted to write without any inhibitions nor pretensions. There are some things about me that I really can't share on my regular blog.

Sige. Hanggang dito na lang muna at kailangan ko munang matulog. Till next post.