Sa kanyang huling hugot ng hininga, ang tanging nasambit nya ay "Hindi ko pinaalam sa kanila ang tunay na pagkatao mo; mahal kita, anak." Si Yaya Pining bago s'ya bawian ng buhay.
Ang pagmamahal nya ba'y tunay? The well over fifteen years she took care of me as my nanny, she did show me unconditional love. Wala akong masabi sa kanya. Ipinaglaban nya ako sa mga magulang ko, pati na sa buong angkan. S'ya ang dahilan kung bakit ako nandito sa Maynila. Noong magka-college na ako, si Yaya Pining ang nag-udyok sa mga magulang ko na dapat ay dito ako sa Maynila. Marahil ay plano nya na talaga ang pagkanulo sa aming angkan, at pinilit nyang mapunta ako dito para hindi ako madamay sa pagsalakay nila.
Magkaganun pa man, wala pa ring patawad ang ginawa nya. Ang nagpatindi pa sa kasalanan nya ay ang pagnakaw nya sa mga pinaka-iingatang mga yaman ng angkan. Sa apat na kayaman, iisa pa lang ang nabawi ko- yung nabawi ko kay Yaya Pining nung gabing singilin ko ang kanyang pagkakautang sa aking pamilya, sa aking buong angkan.
Kinailangan kong magtago at mag-disguise pagkatapos ng gabing yun. It took a week for me to be able to go back here in Manila. Binantayan nila ang lahat ng maaaring daanan ko paalis ng isla. Mabuti na lang at sa bisa ng pamana ng aming angkan, madali ko pa rin silang nalusutan.